After sa graduation sa Elementary , nagplanong magbakasyon ang family
nina Frank sa Negros Oriental at inaya ako ng Mom and Dad niya na sumama so
na-excite ako. At first, hindi pumayag si mama dahil she knows that I’m very
careless at baka kung ano ang mangyari sa akin doon but Frank was really
awesome and he assured my mama that everything will be fine since kasama sina
tita at tito (yung Mom and Dad ni Frank) sa vacation. Hindi siguro makatiis si
mama sa cuteness ng bestfriend ko so she agreed.
I was so excited and I just can’t hide it, sa biyahe magkatabi kami ni
Frank sa bus at nag-agawan pa nga kami ng seat position sa bus, gusto ko kasing
maupo malapit sa window para maenjoy ko ang tanawin na madadaanan namin. Buti
na lang at nagwagi ang reyna at nakuha ko ang inaasam kong position. While on
the way, inantok ako at nakatulog, namalayan ko na lang may yumakap sa akin.
Click! Nagising ako sa flash ng camera, nagpicture2x pala si Frank
gamit ang Kodak camera na may film.
“Ano ka ba bestfriend? Nagsasayang ka naman ng film, dapat sa mga
magagandang tanawin lang tayo papicture hindi dito sa bus”, sumbat ko kay Frank
Tumawa naman si Frank nang malakas, nahiya ako kasi ang mga tao sa bus
ay nakatingin sa amin at to think na nasa probinsya kami, mga tao talaga, mga
echosero’t echosera.
“Don’t worry Baby MarK este Baby Marshy, bumili si Dad nang maraming
film so marami pa tayong pictures na makukuha pagrating sa Negros at ang cute
mo kasing matulog parang wala kang pakialam sa mundo like a baby”, si Frank.
Gumaan ang feeling ko nang sinabihan niya akong baby, yun naman talaga
trato ng mga tao sa akin na para akong batang dapat alagaan pero pag kay Frank
galing ang salitang baby, iba talaga ang feeling ko. ( By the way I forgot to
mention, my real name is Mark J
) Nakasandal pa rin ako sa shoulders ni Frank kahit hindi na ako inaantok,
parang gusto ko na forever na lang akong nakasandal kay bestfriend pero hindi
naman always na nandiyan si bestfriend para sa akin, I need to stand on my own.
Nakarating kami ng Northern Junob sa Dumaguete, doon kami mag-istay sa
bahay ng tita ni Frank. Na-amaze talaga ako sa mga puno ng mangga doon at
maraming pinyang tanim ang tita ni Frank. Napasigaw na lang ako ng
“Wow, tataba na naman ako sa kakakain ng mangga at pinya”, sigaw ko.
Nabigla na lang ako dahil humagikhik ng tawa sina Frank, tito at tita
sa sinabi ko.
“Don’t worry nak, I’ll make it sure na makakain mo lahat ng gusto mo
rito. Di ka namin gugutumin.”, tuwang sabi ni tito.
“Nakakatuwa talaga kayo, sige pasok na tayo, wala pala sila ate (yung
kapatid ni tita) for the whole month, nagbakasyon sila sa Manila so tayu-tayo
na lang magtutulungan dito at ienjoy natin ang bakasyon”, sabi ni tita.
“Sige tita, aasahan niyo at hindi ako tatamarin dito, ang ganda kasi
nang lugar”, sabi ko.
Nakapasok na kami nang bahay at pareho kami ng kwarto ni Frank, as
usual tabi na naman kami sa higaan. Mga bata pa talaga kami that time kasi
walang malisya yung pagtatabi namin at ang yakapan namin. Napagod yata kami sa
byahe kaya after namin magdinner pumunta na kami ng kwarto at natulog. Mga 3am
na yata ng nagising ako , di ko rin alam eh kung bakit nagigising na lang ako
bigla sa oras na iyan, tatayo sana ako para uminom ng tubig nang nakayakap si
Frank sa akin, naisipan kong hindi gumalaw para hindi maistorbo ang kanyang
tulog, hindi ko rin magawang humarap sa kanya kasi baka magalaw ko yung
shoulders niya. Naghintay na lang akong magising siya nang
“Baby Marshy, gising ka ba? , di ako makatulog.”, sabi ni Frank.
“Yes Prankoi, gising ako, bakit hindi ka makatulog?”, takang tanong ko
sa kanya. Di ko kasi akalain na gising siya sa higpit ng yakap niya sa akin.
“Hanggang kailan kaya tayo magiging magbestfriend, sana forever na
lang, ayaw kong magkahiwalay tayo Baby Marshy”, sabi ni Frank.
“Hindi ko alam Prankoi, ayaw ko ring mawala ka sa akin, matulog ka na
Prankoi para makapaglaro tayo bukas”, sabi ko kay frank.
“Sige Baby Marshy, dapat mag.enjoy tayo sa paglalaro bukas”, sabi ni
Frank at nakatulog siya.
Akala ko makakababa na ako sa silong para uminom ng tubig pero
nagkamali ako, ang higpit kasi ng yakap ni bestfriend at hindi ko kayang
gumalaw at baka magising siya so pinilit ko na lang patulugin ang sarili ko at
thank God, nakatulog ako nun.
“Oi Baby Marshy gising na, sina mama o nagpicture2x sa atin habng
natutulog”, gising sa akin ni Frank na kinagulat ko.
“Ang cute niyo kasi, para kayong magkasintahan, so si Marsh na pala
ang manugang ko?”, pabirong sabi ni tita.
“Hindi po tita, bestfriends lang po talaga kami”, inosente kong sabi.
“Sige na nga, hala magsiligo na kayo at para makakain na, nagluto ako
ng paksiw na bangus, alam kong favorite ni Marsh ang bangus kaya niluto ko na
ang binili namin kanina”, sabi ni tita.
“Wow tita, tataba na naman ako nito, thank you tita”, masaya kong sabi
“Hahahaha, dapat nguyain mo kinakain mo Baby Marshy para hindi ka
mabilaukan, para kang matador eh”, biro ni Frank.
“Hmmmf.. maligo na lang tayo Prankoi at huwag mo akong iniisin”, inis
kong sabi na ikinatuwa ni tita.
Sabay kaming maligo ni Frank noon ng hubot hubad, palagi ko ngang
nakikita ang (censored) niya pero wala talagang malisya sa akin yun noon,
ngayon lang, hahaha. After namin maligo ay nilantakan ko na ang bangus at ang
sarap talaga lalo na yung fats ng bangus. Hindi ko makontrol ang self ko at
naging matador na naman ang style ko sa pagkain na ikinatuwa ni Frank. Naku,
ito talagang si bestfriend, lahat na yata ng imperfections ko ay nagustuhan na
niya na ikinagalak ko na rin. Sa isip ko that time, sana hindi magbago si
bestfriend.
Pagkatapos namin kumain ay dinala kami nina tito at tita sa park sa
Dumaguete, yung ginagawa nilang boulevard na ngayon. Gusto sana niyang mag one
on one kami sa basketball pero hindi talaga ako magaling so laru-laro na lang
kami ng takbuhan at kung anu-ano pa. Pagkatapos noon ay pumunta kami ng
Jollibee, favorite na talaga naming pumunta ng Jolibee since bata pa kami
hanggang ngayon. Ang saya ng stay namin sa Dumaguete at parang ayaw ko nang
umuwi sa amin. Sa tuwwing nakikita ko rin si bestfriend na masaya, parang gusto
kong mag-pause ang earth.
(itutuloy)
No comments:
Post a Comment