Monday, September 24, 2012

Bestfriends' Circle - (Icon)


Disclaimer: This is partly true story but some of the events are modified.


Pagkababa ko ng phone ay agad akong naexcite. It’s been a long time na hindi ako nakakapagparty dahil na rin busy sa work. I’m so excited lalo na at may ipapakilala si Marsh sa akin tonight. I need to dressed properly.


Icon Padin is one of the hottest transgender in Cebu. Imagine, if icocompare mo siya sa real girl, pak! Talbog silang lahat sa beauty ni Icon.


Icon was busy searching for a nice outfit nang may nagtext sa kanya. It was her ex-boyfriend John Roe asking for forgiveness and another chance na magkabalikan sila. Icon’s so in love with John Roe pero pinili na lang niyang hiwalayan ang lalaki sa kadahilanang hindi niya matiis ang pambababae nito.


God! Please. I want to forget my feelings for him. Di ko na kaya, baka bumigay na ako sa mga salita niya. Sabi ni Icon sa sarili niya. Nakatulog si Icon sa mahabang pag-iisip niya tungkol kay John Roe. It was 7:45 nang marinig niya ang ring sa phone niya. Someone’s calling at hindi nakaregister ang name.


Hello, who’s this?, si Icon.


Icon right?, Hi this is K, sabi ni Marsh ikaw raw makakasama ko tonight kasi di siya pwede., si K sa kabilang linya.


Oh! Hi K, wow, thanks for calling, so what time will we meet?


10 PM?


Call.



Nasa Paseo na si Icon at hinihintay niya si K. 9:40 PM pa lang ay nasa lugar na siya waiting for K. 10:20 PM na at hindi pa rin nagparamdam si K through text so Icon said to herself na uuwi na lang siya. She was about to hail a cab when she got a text from K.


Sorry, nakatulog ako. I’m here na outside Paseo. Where you now?, text ni K.


Hindi na nagreply si Icon at bumalik sa daan patungong Paseo. Hindi pa niya kilala si K so naguluhan siya kung sino sa mga tao sa labas ang dapat niyang imeet. She was about to get her phone nang biglang nag empty ang battery. Di niya alam gagawin niya kasi wala talaga siyang idea sa hitsura ng tao. Naputol lamang siya sa kanyang pag-iisip nang makita ang lalaking palapit sa kanya. The guy is familiar to her at eto yung waiter sa Moon Cafe na kilala ang friend niya.


Icon right? Yung kasama ni Marsh sa Moon Cafe the other night?, si K.


So, you are K?


Yes I am, si K sabay lahad nang kamay niya kay Icon.


Tinanggap naman ni Icon ang kamay ni K at bigla na lang siyang nakafeel ng kuryente nang mahawakan ang mga kamay ni K. It was the feeling that he felt before nung bago pa silang magkakilala ni John Roe. Icon never imagined that mararamdaman niya ang spark ng something sweet in her heart. Napatulala lang siya habang dinadama ang kamay ni K.


Ok ka lang ba?, sabi ni K na nagpapukaw sa natutulog na diwa ni Icon.


Sorry, sabi ni Icon sabay alis ng kamay niya sa mga kamay ni K.


Napatawa na lang si K sabay invite niya kay Icon na pumasok sa loob ng bar.


Di ko talaga akalain na ikaw yung pinapasama ni Marsh sa akin, kung di kita nakita kanina baka umalis na lang ako kasi di kita makontak, naka-off ba phone mo?, si K.


Ah sorry. Nag empty kasi yung battery ko kaya di mo ako nacontact., si Icon na namumula.


OK lang, cute mo naman, namumula ka pa. Biro ni K.


No, I’m not.


Deny ka pa, kahit madilim dito, pansin kong namumula ka.


Stop it! Aalis na lang ako.


Uy! Di ka naman mabiro oh.


Pasensya na ha! Kulang lang ako sa tulog kaya ako ganito., si Icon.


Ok lang. Sige shot ka na.


Tequila ang iniinom nila that time at silang dalawa lang ang nagtatagay.


You know what?, I don’t care about Marsh anymore because you are there., si K.


Really? Ahahha. Well, there’s no reaso for you to care for Marsh because I’m willing to be with you.,si Icon na lasing na rin.


Good! Then be mine.


Sure! I’ll be yours forever., si Icon.


Hilong-hilo na talaga ang dalawa sa kaiinom ng tequila, malapit na ring maubos ang bottle pero nagpasya na lang silang umalis ng bar.


Let’s not go home yet. I wanna enjoy more., si K.


As you wish master, si Icon.


Pumara sila ng cab then they decided to go to Plaza Independencia. The place is not safe at night pero nagpunta pa rin sila. They were like kids running and running around the plaza. Dahil na siguro sa ininom nila. Nang mapagod sila ay nagpahinga na lang sila muna sa bench.


Balak ko sanang ligawan si Marsh but I think di na siya pwede dahil sa Herald na iyon., si K.


Ganun ba?, si Icon


Pero anjan ka naman diba para sa akin?, si Herald na nakatingin kay Icon na nakasmile.


God! Ano ba ito? Naka-smile siya sa akin. ,sabi ni Icon sa isip niya and a few minutes later ay bigla na lang nakatulog si Icon.




Kinabukasan, nagising na lang si Icon sa isang di pamilyar na kwarto. Hilong-hilo pa rin siya dahil na rin sa nainom niyang tequila with K. Tumayo si Icon sa pagkakahiga at nang itukod niya ang paa sa sahig ay bigla ring napasigaw ang lalaking kainuman niya. Nasa sahig pala nakahiga si K at di yun namalayan ni Icon. Naapakan niya ang tiyan ni K.


Arekup! , si K.


K, sorry., gumalaw si Icon at naapakan na naman niya hita ni K hanggang matumba siya paharap kay K.


Aray! , daing ni K dahil sa sobrang sakit.


Pasensya na talaga, sabi ni Icon sabay tayo ng dahan-dahan. Tinulungan na rin ni Icon si K na makatayo.


Grabe ka naman, ang sakit non ha., si K.


Sorry na please, Ano na palang nangyari kagabi after sa plaza, si Icon.


Di mo na matandaan yung nangyari? Si K.


Anong nangyari! O_O, so may nangyari sa atin? Wala naman akong naramdamang kakaiba o malagkit man lang., si Icon na parang nalilito na.


Hahha, walang nangyari noh! Ikaw talaga, maligo ka na para makakain na tayo after, maaga pa naman, 9AM pa.


OK, pahiram ng kahit anong shorts or sando, okat na yun basta maliit na size.




Nagtext pala si Marsh na nagluto siya nang sinigang, punta na tayo sa kanila, malapit lang naman. Si K.


Wait! So sinabi mo na dito ako natulog? O_O


Oo, bakit?, si K.


Wala lang.


Hay ano ka ba? Para kang tange, ang cute mo tuloy titigan., si K.


Che! Magsitigil ka jan kung ayaw mong mabugbog.si Icon




Tok Tok Tok


Oi Icon , K , pasok kayo, nagluto ako ng masarap na sinigang, in 5 minutes ready na yun. Si Marsh.


Ses, I miss your sinigang. Si Icon sabay yakap kay Marsh.


Ano ka ba?, kainin mo lahat ng niluto ko kung gusto mo.


Lahat? Pano na ako, di mo ako papakainin Baby Marshy? Si Icon lang?, si Herald na naka-pout.

Oh! Ang tahimik mo naman K, magsalita ka nga!, si Marsh.

Hehe.., si K.

Napansin ni Icon na parang nawala ang sigla ni K nang makaharap sina Marsh at Herald.


(Itutuloy)

Bestfriends’ Circle 2 – (Marsh)


What are you doing here Herald?, tanong ko sa kanya.


Hindi siya sumagot, instead he pulled me and then sabay hug ng mahigpit. He then cried and I hear him whisper “Di na ba talaga pwedeng tayo ulit?”.


I wanna answer him pero nahihirapan din ako kasi nga I still love him kahit nakakainis na siya pero at the same time my mind keeps on telling me na tama na muna at dapat friends lang kami. To tell you honestly, wala pa talaga siyang nakakarelasyon after ng aming dalawang beses na paghihiwalay. He told me before na di siya maghahanap ng iba para maipakita niya sa akin na sincere siya sa akin. Alam ko naman na sincere siya pero nakakasakal na talaga si Herald sometimes so gustuhin ko mang magkabalikan kami, pinili ko na lang na huwag muna.


I was weak that time, pagkatapos niya akong yakapin ay tinulak niya ako papasok sa loob ng apartment sabay bigay ng halik sa aking mga labi. Bumigay rin ako at ginantihan ko ang masarap na halik na ginawad niya sa akin. God! How I miss this wonderful lips touching mine. , naisatinig ko sa aking isip.


I can’t fool myself that time. I really missed Herald and I can give whatever he wanted to do that night. So nangyari na naman ang isang di makakalimutang pangyayari sa buhay ko.





Kinabukasan, late naman akong gumising as usual. I spread my arms to stretch a little bit nang may marinig akong napa.Ouch. Oh my! Herald is sleeping beside me pala and he’s naked pati na rin ako. Natamaan ko pala ang mukha niya sa kamay ko. Napatawa na lang ako nang makitang nakapout yung lips niya sabay himas sa parte ng ulo niya na natamaan ko.


Ano ka ba naman Baby Marshy? Sinasaktan mo naman ako.


Excuse me! Di ka naman masasaktan kung hindi ka tumabi sa akin dito noh? And for your information! I never invited you to sleep here., sabi ko.


Ganun? Gusto mo i-rape kita ulit? Another round please., si Herald na nakatawa.


Aba! You’re getting on my nerves Sir! Besides , it’s already 11am, nagugutom na ako.


Gutom ka na Baby Marshy? Wait lang! I’ll just cook for you.


Nah! It will take 48 hours bago iyan maluto. Let’s just eat outside. Treat mo ko kasi wala pa akong allowance from mama., sabi ko na nakangiti.


Ayaw ko! Another round muna.


Tsk! Kung ayaw mo then fine, I’ll just eat alone.


Ok fine! Eat alone, iwan mo na lang ako rito,palagi mo na lang akong iniiwan. si Herald.


Ang drama mo! Sige, I’ll just take a bath.


Sabay na tayo., si Herald.


Diyan ka lang Sir! You take your turn after I’m done.




It really feels good after you took a bath. I was feeling fresh that time and I looked at the mirror while combing my hair. I was busy on staring myself at the mirror when I saw Herald coming towards me and attempted to hug me.


Ooopss! Sir, please don’t hug me. Hindi ka pa naliligo at ang baho mo, maligo ka na., sabi ko.


Nakakainis ka Baby Marshy. Sige punta na ako ng bathroom para makapagpalabas ng init kasi ayaw mo ng another round.


Ok go!, sabi ko.


So pumunta na nga siya sa bathroom nang padabog. Natawa na lang ako kasi parang bumalik yung dati noong kami pa na palaging may tampuhan na ewan. The only difference is just hindi na kami.


So I went outside to look for something to eat. I decided to go to Angelique’s kitchenette and order my favorite sisig. So yummy! I was ordering my favorite sisig that time when I saw a familiar face walking towards me. Oh my! It was the guy from Moon Cafe who treated me some yogurt at Red Mango na naghatid sa aking pauwi kagabi. And still I don’t know his name.


Hi Marsh, greet niya sa akin.


Hello, alangan kong reply because I  really don’t know his name talaga.


Sabay na tayo mag-lunch, order na rin ako., sabi niya.


Ok!, tipid kong sagot.


Are you free tonight? Diba wala na kayong pasok?, tanong niya.


Ahmm. Yeah! End na kasi ng semester and I’m waiting for my grades to be uploaded by my teachers.


Ganun ba? So can we go out tonight? Let’s go to Paseo and let’s party.


Hmmmff, I’ll try. Just text me.


I don’t have your number, how can i text you.


Ah oo nga pala. Sabi ko then after nun inabot niya phone niya sa akin.


So sinave ko number ko sa phone niya. Our orders are already served so sabay na kaming kumain. This guy has really a good sense of humor. He always joke and is talking a lot of sense. Opposite talaga kami because I’m the boring type. We were busy talking that time when suddenly I saw Herald appear standing near to our table. He was staring at us na parang galit. I looked at him at nag-smile ako sa kanya. Napansin rin yata ng kasama ko na may tinitingnan ako so lumingon siya sa likod niya at nag-smile rin siya kay Herald.


Friend mo?, tanong niya.


Ahhm. Yeah! , sagot ko sabay smile.


After a few minutes ay lumapit si Herald sa table namin dala ang order niya tapos sabing makikishare daw siya. Ang kasama ko naman winelcome siya to join us at umusog palapit sa akin na halos magkadikit na shoulders namin. Nakita ko ang facial expression ni Herald na parang nagtitimpi sa galit.


So, friend ka pala ni Marsh? Hi, Im Ken, you can call me K and you?


Im Herald, FRIEND (with emphasis) ni Marsh.


Nice to meet you Herald., si K.


Oh my gosh! Now I know his name, hehe. So nagsimula na ring kumain si Herald at palagi na lang niya akong tinitingnan na may galit sa mata.


So K, matagal na ba kayong magkakilala ni Marsh? Taga saan ka?, tanong ni Herald.


Well,I just met Marsh personally last night, friend ko cousin niya. Im from CDO but I’m staying a few houses away from Marsh’s apartment., si K.


Pagkasabi ni K nun ay tiningnan ako ni Herald ng masama. I don’t know if napansin ni K yun. Tapos sabi ni Herald, so KAPITBAHAY (with emphasis) pala kayo?


Oo, and that’s a good thing para pag nanligaw ako kay Marsh, madali ko lang siyang mapupuntahan., si K.


Ah ganun? Don’t you know that I’m staying at Marsh’s apartment now?, si Herald.


Really? So you’re like housemates?, si K.


Parang ganun na nga., pagsisinungaling ni Herald kasi he’s not staying in my apartment naman.


I was just silent that time listening to their conversation. That’s good para naman may magbantay kay Marsh., si K.


Oo! Babantayan ko talaga siya so kung may balak kang manligaw sa kanya, ako muna ang makakaharap mo dahil ako lang naman ang FRIEND (with emphasis) nang gusto mong ligawan. Si Herald sabay smirk.


Hehe, no worries. Si K.


They continued their conversation habang ako ay wala nang maintindihan sa kanila. I just played with the spoon and fork while waiting for them na matapos. So after a few minutes, sinabi na nilang full na sila so nag-aya na si Herald na umuwi at nagpaalam kay K. Nagpaalam na rin ako kay K at habang papalabas na ako, tinawag ako ni K.


Marsh? Dont forget tonight ha. I’ll text you.


I just nodded and when I looked at Herald, nasira na naman mukha niya. But then I smiled at Herald pa rin.



At my apartment


Herald, umuwi ka na kasi I wanna nap muna and rest.


Hindi siya nakinig. Hinila na naman niya ako at hinalikan na naman. Iba ang halik niya that time, super harsh that I can’t breathe.  


Huwag mo akong lokohin Marsh, di ko alam kung ano ang magagawa ko kapag sinagot mo ang lalaking iyon., si Herald.


Hindi kita niloloko dahil hindi naman tayo, diba? Ano? Sasaktan mo na naman ba ako kapag sinagot ko siya?, pagalit kong sabi.


Hindi kita sasaktan Marsh. I promise! Akin ka lang at hindi ka na dapat magpakita sa lalaking iyon. Nasa akin na ang phone mo, kapag nagtext siya , sabihin mo na di ka pupunta, Maliwanag?, si Herald.


Herald, di na ako makahinga kapag nandiyan ka palagi sa tabi ko, please naman. Huwag mo na akong pahirapan pa.


Di naman kita pinapahirapan. Gusto lang kitang mabawi dahil sa akin ka lang at wala nang dapat pang magmay-ari sa iyo kundi ako lang. Sabi ni Herald na may malakas na tono.


Umiyak na lang ako then I nodded para matapos na ang bangayan namin about it. After a few minutes ay sinuyo na naman niya ako at nangyari na naman ang aming pagtatalik.


Nagising ako mga bandang 4:30 PM and then I decided to call my friend, Icon.


Hello ses, si Icon sa kabilang linya.


Ses, i have a favor! Can you accompany someone tonight at Paseo, I’ll give your number to him ha so that you can communicate to each other, wala ka namang work. Diba?


Naku ses! Sino ba yan? Alright! Basta galing sa iyo, I’ll go for it.


Thanks ses. Sige, just wait for him to text you ha. Bye, love you. , sabi ko.


Bye ses. , si Icon.


Pagkababa ko ng phone ay humarap ako sa taong nakamasid sa akin. Nakasmile siya sa akin na parang natutuwa  dahil nasunod ko ang gusto niya.


So, happy ka na?, tanong ko.


Why did you ask that? Of course, I’m happy kasi kasama kita and thank you for staying with me. Sabi niya sabay halik sa akin.



By 7pm, nagtext si K sa akin. Agad ko naman siyang nireplyan tapos sabing hindi ako makakasama and I told him that my friend Icon will be going out tonight so I asked him if pwede ba silang magsama.


He then replied back, OK. After nun nagreply ako ng thanks and then I gave Icon’s number.




Nakapagluto na ng dinner si Herald and to my surprise, nagluto siya ng one of my favorite. Cebuano style Humba. I love it! Pagkaamoy ko sa niluto niya ay agad ko itong nilantakan na parang wala nang bukas. While eating , narinig kung tumawa si Herald.


Iyan talaga ang gusto ko sa iyo Baby Marshy, very natural. Hindi katulad ng iba na maarte dahil hindi gustong mawala ang iniingatang figure. I love you more Marshy. Si Herald.


Kahit may kinikimkim akong tampo kay Herald. Di ko maiwasang mag-smile sa kanya at aksidente kong nasabi sa kanya na “I love you hubby ko”.


Natuwa si Herald sa narinig niya at sumigaw ng, tayo na ba ulit?


Hindi ko maintindihan sarili ko that time kung bakit ko nasabi iyon pero di ko na mababawi kasi talagang mahal ko naman talaga siya.


Nung gabing iyon, walang nangyari sa amin ni Herald. Nakatulog na lang kaming magkatabi na siya’y nakangiti. Napangiti na lang din ako sa sarili ko kasi It’s really not my intention na magkabalikan kami pero nangyari na , wala na akong magagawa.



(Itutuloy)

Wednesday, September 12, 2012

Lipstick Part 13







Another Manic Monday for me. A lot of things happend on my weekend. I don’t think that I can go to school after what happend. Hahay. Alam mo yung feeling na kahit wala kang kasalanan, sa iyo sinisisi lahat ng problema. Para na tuloy akong laruan na pinaglalaruan. Hindi rin ako nakareceive ng communication from Frank. Gusto ko kasi ng isang maiging explaination sa nangyari. Ayaw na ayaw ko nang may tao akong kagalit.



Nakatunganga lang ako habang nakatitig sa TV. Wala akong maintindihan sa palabasat ayaw ko rin namang i-off ang TV sa kadahilanang di ko maintindihan. Di ko tuloy namalayan na 10:30AM na pala at absent na ako sa dalawang classes ko for the day. May klase pa ako sa hapon pero nagdadalawang –isip akong siputin iyon.



Tok! Tok! Tok!



Wala talaga akong balak buksan ang pinto. Wala rin naman akong narinig na boses galing sa kumakatok. I thought that person outside already knew that I’m not interested to let him in pero nainis na naman ako kasi kumatok na naman siya.



Grrr.. Sino ba iyan?, sigaw ko.



Wala akong narinig na sagot so I just ignored it. After a few minutes, kumakatok na naman siya. Ayaw ko talagang tumanggap ng bisita kasi ang gulo ng apartment tapos I’m not feeling well. Naiinis na ako sa kanya.



Sino ba iyan ha? Wala akong pera kung solicit lang yan., sigaw ko.



Wala pa rin akong narinig sa tao sa labas. Hindi na talaga ako makapagpigil kaya tumayo na ako at dali-daling binuksan ang pinto para maaway ko ang tao na iyon. Pero pagkabukas ko ng pintuan, lalo akong nagalit kasi nakakita na naman ako ng demonyo. Lalo ko pang ikinagalit ay ang pagpasok niya sa bahay without my permission.



What are you doing here? You’re not welcome! So go out!, sigaw ko sa kanya.




Hey! I just want to stay here for a few days only. Hehe, si Herald.



Stay here? Diba sa Dumaguete ka nag-aaral? Don’t tell me you’ll be absent for a few days?



Parang ganun na nga pero di na ako mag-aabsent. Idadrop ko subjects ko dun tapos next sem magtransfer na ako dito, pumayag naman sina Mom and Dad.



TSK! You are just wasting your money. Kawawa naman sina tita at tito dahil nagkaanak sila ng katulad mo na batugan.



Wait! Wait! Wait! Look who’s talking? Haha, sino ang nag-absent ngayong araw na ito?, si Herald



Kaya nga umalis ka na kasi may hahabulin pa akong klase later, hindi ako makapagprepare for school kapag may ibang tao dito., singhal ko sa kanya.



Ases! Hahaha, nakatawa si Herald.



Pinili ko na lang magtimpi. Hindi rin matatapos ang sagutan namin so kahit ma-pride ako na pagkatao ay hinayaan ko na lang magpatalo sa kanya. So I decided na pumasok na lang sa klase ko para makaiwas na rin sa demonyong si Herald.






Wala talaga akong maintindihan sa discussion namin. Nakatunganga ako at nakaharap sa pintuan, naghihintay kung anong oras matatapos ang boring na klase.



Mr. Cantila?, sigaw sa akin ni Dr. Villar.



Yes Doc?, sagot ko (Nakakainis talaga, tinawag pa akong Mr., siya nga ayaw magpatawag ng Mam, Madamme or Mrs., kelangang Doc talaga)



What are the elements of a good decision making?, tanong ni Dr. Villar.



Ahhm, (Patay talaga ako kasi hindi ako nagbabasa ng books namin and I’m not even listening)



I’m waiting for your answer Mr. Cantila, si Dr. Villar na tinawag na naman akong Mr.



The elements of a good decision making are - - - - ahhhmmm, para na talaga akong maiihi. Oh my gosh.



Looks like it’s very obvious that you are not listening to our discussion so what I’ll do is I’ll give you all a long exam today and this is because of Mr. Cantila, si Dr. Villar.



Patay na talaga ako nito. Malamang maraming galit sa akin dahil sa hindi ko nasagutan ang tanong ni Dr. Villar, nadamay tuloy mga classmates ko. Gosh wala akong dalang papel, manghihingi na naman ako nito sa katabi ko at nakakahiya.



Excuse me! Can I ask for a 1 whole sheet of paper please?, hingi ko sa aking katabi na di ko talaga kilala.



Tumingin siya sa akin na parang galit sabay kuha ng papel at bigay sa akin na parang napipilitan lang. Naku! Nagsungit pa ang lalaking ito, cute ka nga pero masama naman ugali mo, nasatinig ko sa isip ko. I cant believe it! Siya pa nga nagbigay ng papel sa akin, ako pa ang parang galit. Anyways, I’ll just return a 1 whole sheet of paper to you when the time comes nga ako naman ang meron.



Natapos na ang exam and I’m not confident na mapapasa ko iyon. Come what may na lang ang peg ko nun. I was on my way outside the campus nang may sumabay sa akin palabas. Gosh! Siya yung hiningan ko ng papel na galit sa akin. Nung nasa labas na kami at natapat kami sa Burger Machine, bigla na lang niya akong tinawag.



Mark?, siya.



Ahmm. Yes? By the way, you cna call me Marsh.



I’m not interested. I just want to tell you that I hate you. Di mo ba alam na wala akong nasagutan kanina, you are very insensitive. Bakit kasi hindi ka nakikinig? Hindi mo tuloy nasagutan ang tanong ni Dr. Villar, bulyaw niya sa akin na nagpainit na naman ng dugo ko.



Hoy! Mr. I dont know your name and I’m not interested as well, Hindi kona kasalanan iyon na wala kang nasagutan sa exam, di kita na natin na hindi ka rin nakikinig. Dapat ang ginawa mo, nagbabasa ka ng ating mga topics ahead of time para di ka na manumbat ng ibang tao na wala kang nasagutan. Huwag na huwag mo akong sumbatan., pagalit kong sabi.



Aba! Lumalaban ka pala? Magbabayad ka sa pagsasalita mo ng ganyan sa akin!



So binabantaan mo ako ganun? Hala! Ang dating ha! Look! I have no time to argue with you Mr. Nobody. I have a  lot of things to prioritize and you are not one of them so if you’ll excuse me I’ll appreciate that. Sigaw ko.



And I’m not expecting as well that you’ll prioritize me, ang sa akin lang I just want to let my voice out dahil sa katangahan mo.



Aba! Sh*t ka! You go to hell Mr. Nobody. Ako pa talaga ang tanga ha? Ako ba ang sumagot ng exam mo? , Ikaw dapat magsabi sa sarili mo na tanga ka kasi nga wala kang nasagot.



Sinusubukan mo ba talaga ako?, galit niyang sabi sabay form ng fist niya na akmang susuntukin niya ako.



Nakapikit na ako that time. Hindi ko magawang lumaban o tumakbo that time. I was waiting for him to do something but instead he pulled my hand and grab me to Elicon’s Cafe. Pinaupo niya ako sa may table for two at nag-order siya ng shake at brownies.



What’s this?, tanong ko.



I just want to apologize for what happend.



Gumaan naman ang aking pakiramdam so I just accepted his apology at nagsmile na rin siya.



So what’s your name?, tanong ko na nagpabago ng mood niya.



So you never bothered in knowing my name?, by the way I’m Ian.



I’m sorry! I’m just very insensitive gaya ng sabi mo na wala na talaga akong pakialam., sabi ko sabay tawa at tumawa rin siya.



So di mo talaga ako natatandaan? We’re classmates way back Elementary. Actually, kami yung nambubully sa’yo noon. Sorry talaga Mark este Marsh.



Ok lang yun Ian. So ikaw pala yung uhugin na bata na yon?, natatawa kong sabi sa kanya.



Nakakahiya naman. Si Ian



Sus! Nahiya ka pa! Hahaha, bakit ngayon ka lang nagpakilala?



Kasi eh, ngayon lang ako nagkaroon ng chance tapos ikaw para ka kasing walang pakialam sa mga tao sa paligid mo., si Ian.



Haha, di naman.



Masaya kaming nagkausap ni Ian nang makita ko si Abel kasama niya si Frank.



Girl, kasama ko si papa Frank gusto ka raw makausap.



Hindi ako makatingin kay Frank. Parang naiilang pa rin akong makaharap siya. Ewan ko ba.



I guess I need to go, mukhang importante yata ang pag-uusapan niyo., si Ian.



No Ian, you stay. Frank? Can we talk some other time? Please, may dinidiscuss lang kami about sa project namin and importante ito kesa anumang sasabihin mo. Kung pwede lang?



I’m sorry, sige I’ll just go., si Frank sabay patakbong lumabas.



Girl? What’s wrong? Let me follow papa Frank na lang., sige maiwan ko na kayo.





May LQ ba kayo ni Frank?, si Ian.



LQ ka jan! Di ko siya boyfriend noh! And besides he has a partner already.



So, ayos pala!, hehe. Si Ian.



What do you mean?, tanong ko.



Hehe, basta. So ano pala project natin?, natatawang sabi niya.



Ulol! Hahaha.. sabi ko.





Hinatid ako ni Ian sa labas ng aming apartment. I enjoyed his company. Akala ko masungit siya. Ang cool pala niya tapos natatawa ako sa jokes niya. Pagkapasok ko ng apartment, dun ko lang natandaan na nasa bahay ko pala ang demonyo na si Herald.



Sino iyon?, tanong niya.



It’s none of your business! And Hey!, I’ll let you stay here for tonight lang tapos bukas umalis ka na. Gets?



Di ko gets, explain mo nga! Hehe, si Herald na nakatawa.



Aba! Get a life!



I’ll get a life with you. ,siya sabay tawa ng malakas.



Naiinis na talaga ako sa demonyong ito. Naalala ko rin na wala akong ibang higaan sa apartment maliban sa sofa sa sala. Alangan naman na sa sofa ako hihiga. Manigas siya.



Pumunta ako ng bathroom para maligo, siniguro ko talagang lock yun dahil hindi naman sa assuming ako, gusto ko lang na safe ang pagliligo ko. Pagkatapos kong maligo dumiretso na ako sa aking room at aba ang demonyo natutulog na sa kama ko.



(itutuloy)