(Me and Icon)
Urrghhh..
For the third time, 5.0 na naman grade ko sa AC511, kakainis. Paano ko ba
sasabihin kina mama at papa na bagsak na naman ako sa subject na ito? Bahala
na. My mama and papa always have dream for me of becoming a CPA Lawyer someday
but if you will look at my current academic status, achieving that profession
is impossible.
Ang lalim ng
aking iniisip. Parang sasabog na ang utak ko kung ano ba ang plano ko sa buhay.
I really blamed myself on what happend to my grades pero wala na akong
magagawa, nangyari na ang aking kinatatakutan. Ayaw kong itakwil ako ng aking
parents dahil hindi ko maibigay sa kanila ang kanilang inaasam na pangarap sa
akin. Buti na lang nasa hometown namin parents ko at matagal pa nilang
malalaman problema ko.
Ring Ring
Hello ses, napatawag ka? , si Icon
Ses, bagsak na naman ako, ano gagawin ko
nito, I don’t want mama and papa to know that I failed na naman. Paiyak kong
sabi kay Icon
Hala ses,You should tell them the truth because
they will know it naman, Hay naku! Iyan kasi napapala ng palaging nagpaparty,
ako nga kahit 2 year course lang kinuha ko, pinilit ko talagang makatapos para
may maipagmalaki ako sa mama ko. Si Icon
Hala ses, ano ba iyan? Huhuhuhu, ses,
magkita tayo later ha sa Moon Cafe, sa Ayala.
Kahit
depress ako sa aking grade, nagawa ko pa ring magpaganda. Dapat hindi ko
ipakita sa mga tao na malungkot ako. Pinili kong suotin ang aking favorite
black raffle mini-dress tinernuhan ng light creamy make up.
I really look good. Pagyayabang ko sa
sarili ko. Make up is really my stress reliever and also eating.
Nakalabas na
ako ng house at ready na ako to hail a cab when suddenly my crush passed by. Oh my gosh! He’s really cute. He stopped
I guess mga 24 inches away from the position I’m standing at parang nag-aabang
rin siya ng masasakyan. Hindi ako mapakali that time because naaamoy ko pabango
niya and he really smells good. Hindi ko mapaliwanag ang feeling ko, parang
naiihi ako na ewan. Napukaw na lang ang isipan ko ng may sasakyang huminto sa
tapat ko. Nagdilim ang aking paningin. Nakita ko ang mukha ng hayop na nanloko
sa akin, ang aking first boyfriend na si Herald.
Hey pretty,
where do you wan’t to go? I can give you a ride. Si Herald
No thanks!,
oh, there’s a cab na, Bye! I need to go.
Oh! Come on,
please I... ,di ko na narinig sinabi ni Herald kasi I rushed in the cab na.
Naiinis na talaga ako, nawala beauty ko teh. Kapag nakikita ko mukha ni Herald
parang ewan, galit na galit ako sa kanya pero I’m still hoping na
magkakabalikan kami dahil I still love him and I really hate it. That was 1st
year 2nd semester sa college nang nagtransfer si Herald from Dumaguete
to Cebu. Gosh, nakalimutan ko tuloy na nandun pala si crush, Hayop talaga ang
Herald na iyon.
Oi ses, what’s
wrong? Bakit lukot face mo? , si Icon
Wala lang to
ses, let’s drink ses, order na tayo ng 1 tower of Red Horse.
I really can’t believe it, I’m not
really a beer drinker but go on, I need to drink para mawala naman mga problema
ko kahit sandali lang. Gosh! Puro foods na may cholesterol pa inorder namin,
sira ang diet.
Mark? , sabi ng waiter na nagserve
ng orders namin.
Gosh! How do you know me? And don’t
call me Mark, I’m Marsh., pagsusungit ko.
Hehe, I’ll
tell you later, Di kasi pwedeng magchismisan dito,out na rin ako 30 minutes
from now
OK!, tipid
kong sagot
Sino ba yun
ses? Hot nun ah. Hehehe, si Icon
Malay ko ba
sino iyon, Hindi ko siya kilala, hala lets eat and drink.
After ng
date namin ng friend ko na si Icon ay napili kong magstandby muna outside sa
Moon Cafe while puffing cigarrette at hinayaan nang umalis si Icon para
makapasok sa work niya. I was enjoying my lonely time nang may tumabi sa aking
lalaki. Yung waiter kanina at hindi na siya naka uniform pero in fairness gwapo
siya.
Are you sure
di mo ako kilala? We both live on the same place and bestfriend ko yung pinsan
mo na si Daniel. , sabi ng gwapo na guy
Oh my! You are
____(panandaliang katahimikan) ahhmm, sorry I can’t remember. Sagot ko.
Ouch! Akala
ko kilala mo ako kasi sikat ako sa atin dahil sa kagwapohan ko, pagyayabang
niya.
Ah ganun?
Ok, ikaw na ang sikat. ,sagot ko.
Nabigla na
lang ako ng inagaw niya ang sigarilyo sa aking kamay at biglang tapon nito.
Ano bang
problema mo? Isusumbong kita sa supervisor mo., galit kong sabi sabay tayo pero
hinila niya ako at hinatak palayo sa Moon Cafe.
Hahahaha. Nakatawa
siya hanggang narating namin ang Red Mango.
Gosh! Baliw
ka ba? Bakit ka tumatawa? Isusumbong talaga kitang pakialamero ka.
Wala lang!
Oi, wag mo naman akong isumbong, OJT lang ako dun, gusto mo bang bagsak ang
gradong ibigay nila sa akin? Last day ko kanina para macomplete yung hour
requirement ko. Sabi niya.
Dah! The
hell I care. Bakit mo ako dinala dito? Mag-oorder ba tayo ng yogurt?
Eto naman!
Ang taray mo. Hehe.. Diba marami ka nang nakain kanina? Gusto mo umorder ako? Wait
lang ha, sabi niya ng nakasmile pa rin.
Nahiya ako
kasi marami naman talaga akong nakain kanina tapos kung makakain ako parang
wala nang bukas. Nakita kaya niya akong kumakain? Ang tanga ko, oo naman kasi
siya nga nagserve ng order namin. Ano naman ang pakialam ko kung nakita niya
ako?, sigaw ng isip ko.
Oh heto,
Extra Large inorder ko para share na tayo Mark este Marsh pala. Biro niya
Ok! May kiwi
ba iyan, mango at orange? May blueberries din ba?
Hala. Kiwi,
mochi at mango lang, sige babalik ako at palalagyan ko ng orange at
blueberries.
Huwag na,
give me my spoon.
Hehe, ok
heto na po senyorita.
Napasmile na
lang ako kasi I just met him today pero parang kinilig ako bigla. Di ko pa rin
alam name niya. Nakakainis. Ayaw ko namang magtanong. Nakakahiya. Hahaha.
After namin
maubos ang yogurt parang sumakit na naman ang tiyan ko. Oh my gosh! Baka maturn
off na naman itong si gwapo kapag sinabi kong natatae na ako. Hahaha. So what I
did is I asked him to go home na.
Let’s go!
Diba neighbors lang tayo sabi mo so sabay na tayong umuwi. Yaya ko sa kanya
Ay! Ang aga
pa naman 10:30 pm pa oh! Punta muna tayo ng IT Park, pamimilit niya na ikinainis ko naman
kasi masakit na talaga tiyan ko.
Pwede next
time na lang? Please!!! Umuwi na tayo.
Ngayon na
please!!!!!
Di ko na
talaga kaya, kung ayaw mong umuwi sige diyan ka na lang, uuwi na ako, sabi ko
sabay walk out.
Nakapara na
ako ng cab ng nakita kong tumakbo palapit si gwapo at makikisakay na rin siya.
Go na rin ako kasi I’m not feeling well na talaga. Pinauna ko na siya sa loob
kasi gusto kong nasa right side ako nakaupo.
Bakit ka ba
nagmamadali ha? Naghihintay ba boyfriend mo sa apartment mo?
Hindi ko
siya sinagot.
Oi, ang
tahimik naman natin.
Di ko pa rin
siya kinakausap hanggang sa nakarating ako sa amin. Kukuha sana ako ng wallet
ng bigla niya lang binayaran si Manong Driver so makapal naman talaga mukha ko,
bumaba na ako pagkabayad niya. Di ko napansin na bumaba rin siya.
Di mo ba ako
iimbitahan sa apartment mo?
Pwede next
time na lang? I’m not feeling well. Sige bye, sabi ko sabay alis. Nilingon ko
siya sandali at nakita kong malungkot ang mukha niya. Hahay. Ano bang problema
ng lalaking ito? Gosh.
Success!!!
Nakapagbawas rin ako. Yucks! Hahaha... Nagring ang phone ko at di ko kilala ang
number na tumatawag.
Hello, sino
to?, ako.
Sino yung
kasama mo kanina? Yun ba ang bago mo? Sagutin mo ako!, galit na tanong ng sa
kabilang linya.
Baliw ka ba?
Bakit ka nakikialam sa buhay ko? Your out of my life already Herald so stop
calling me and delete my number. Pagalit kong sabi sa kanya sabay baba ng
phone.
Matagal ko
nang gustong tantanan na ako ni Herald kasi di pa nga kami nagkabalikan ay parang
sinasakal na niya ako sa presence niya. I hate him so much pero I love him. Ang
hirap talagang maka move on basta first boyfriend mo. I had relationships after
namin ni Herald but di ko pa rin siya maalis sa isip at puso ko.
Tok! Tok!
Tok!
Pagbukas ko
ng door, bumungad sa akin ang mukha ni Herald na galit na galit.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment