My
name is Marsh , im 20 years old, from the Queen city of the south, Cebu. I’m a
femminate gay, im 5'8" and loves to wear dresses. Well, I would like to
share a story about my bestfriend and I. My bestfriend is a bisexual.
Bestfriend ko siya since we are elementary. Noon pa lang, alam na niya na bakla
ako. Nakakatuwa talaga dahil nung nalaman niyang gay ako, na.amuse siya at
palagi na siyang dumidikit sa akin. He even told me when I was 10 to dress like
a girl gaya ng mga older gays sa amin pero that time, di ko pa kayang
mag.crossdress. Years had passed and we've been very close to each other, he's
been my protector ( until now). We like to tambay to each other's houses and
our parents even thought that we have something more than friends pero we've
explained it to them na friends lang talaga kami. One time sa school, a group
of bullies were trying to hit my face because they hate gays, ( by the way,
lets just call my bestfriend Frank). Frank saw me together with the boys who
were trying to spank me. He immediately ran towards our direction and
confronted the bullies. The bullies just laughed at him and they punched Frank
on the face. I cried after that and they ran away. I was touched with my
bestfriend protecting me. His nose was bleeding at may pasa ang upper lip nya,
maybe he bit it when he was punched. I really dont know what to do to him so I
cried but he told me to stop crying because I’m not the one who have been hit
and he laughed at me. Sinabi na lang niyang magagamot raw ang pasa at sasabihin
na lang daw niya sa parents niya na natamaan siya ng bola ng basketball. During
that incident, I started to fall in love with my bestfriend.
I
was very happy everytime magkasama kami ng bestfriend ko hanggang sa
highschool, kami pa rin ang magkasangga. I admit, Im not the type of person na
magaling pagdating sa school compared to him na matalino, matapang at ang hilig
sa basketball. After our classes, di nya ako pinapauwi nang hindi siya kasama,
dapat talagang nanduon ako sa practice niya at dapat akong magcheer everyday
kung hindi simangot ang sukli niya sa hindi ko pagcheer. One time, nanunuod ako
ng practice nila, lumapit yung kasamahan niya sa basketball at nakipagkilala sa
aki. I know that pinagkakatuwaan lang ako nang kumag so di ko siya pinansin
hangang sa mapikon siya at sinabihan ako nang
"
Pakipot ka pang bakla ka, nota lang naman ang habol mo, grasya na lumalapit
sayo puta ka". Ang sabi ng lalaki
Di
ako matapang na tao so napaiyak ako sa sinabi niya, nagulat na lang ako nang natumba
ang kumag, grabe ang bestfriend ko parang demonyo ang mukha at binugbog ang
lalaki, kung hindi pa siya inawat ng temates niya ay baka patay na ang kumag na
yon. Imbes na magpasalamat ay inaway ko si Frank. Nagalit siya at sinabihan
niya akong dapat akong magpasalamat sa kanya. Di ko nagustuhan ang pagiging
violent nya kaya kahit natuwa ako sa kanyang pagtatanggol ay inaway ko siya
nang husto. Sabay pa rin kaming umuwi nang araw na iyon pero di kami
nagpansinan.
Kinabukasan,
hindi ko nakita si Frank sa klase, sabi ng teacher namin, nasa guidance office
daw si Frank dahil nagreklamo ang parents ng binugbog nya. Nagiguilty ako kasi
ako ang dahilan nang lahat. Recess na at nakita ko si Frank na nakaupo sa may
canteen, palapit na sana ako sa kanyang direksyon nang bigla siyang umalis
patakbo. Nalungkot ako bigla, "baka galit siya" sabi ko sa isip ko.
Nagdaan ang mga araw ay hindi pa rin ako pinapansin ni Frank at nahihiya rin
akong igreet siya. Nagpatuloy ang di pagpansinan namin hanggan magtapos ang 2nd
year highschool. Bakasyon na at pupuntahan ko sana siya sa kanila pero ang lola
niya ang naabutan ko at sinabing lumipat na sila sa Manila at dun magtatapos ng
highschool. Hindi man lang siya nagpasabi na aalis siya at kasalanan ko rin
naman dahil hindi ko siya pinapansin pero sana man lang nakipag-usap siya pero
hindi niya ginawa. I admit may kasalan rin ako. Nalungkot ako at umiyak dahil
hindi ako nakapagsorry sa kanya at pahiya-hiya pa akong pansinin siya. Grabe
ang separation anxiety ko nuon, halos di ako makakain dahil wala na ang
bestfriend ko, wala man lang kaming communication. Nagdaan ang ilang taon ko sa
highschool at nakatagpo ako ng mga new set of friends pero naaalala ko pa rin
si Frank dahil iba ang samahan namin compared to my new friends. Minsan ay
nagfriendster ako at sinubukang hanapin siya. Inadd ko siya as a frienday pero
hindi niya ako inaccept. Nalungkot na naman ako kasi gusto ko talagang malaman
that time kung ano na ang nangyari sa kanya at para makahingi rin ako ng tawad
pero para yatang hindi na niya ako gustong makita so tinanggap ko na lang na
hindi ko na siya makakausap pang muli.
College
nang pinili kong kunin ang BS Accountancy sa isang sikat na catholic school sa
cebu. Masaya ako dahil college na ako kahit di ko gusto ang kurso ko malamang
makakakilala na naman ako ng new set of friends. Blocked section kami nun at
ako ay napunta sa Block L, ang layo.. haha.. AC501 yung subject namin nun at
dahil boring ang klase nagexcuse ako at ok rin naman c Ms. Lapuz, 15 minutes na
akong nasa canteen at nakatanga lang kesa naman makinig sa lecture nya. after
ilang minutong lumipas, napansin ko na lang na may lalaking umupo sa table ko
paharap sa akin at nakangisi. He looks familiar, gosh! si bestfriend Frank pala
ang kaharap ko, ang gwapo na niya sobra at ang ganda nang katawan. Mas mataas
ako sa kanya, he is 5’6”, athletic ang body, maputi at tsinito, all in one
package na yata siya dahil matalino pa siya. Nakatulala ako habang nakatingin
sa kanya nang magtry siyang hubarin ang wig kong suot na pantago sa long hair
ko. Hahawakan ko sana kamay niya pero nag.iba ito ng direksyon at kinurot face
ko. Gosh!! Im chubby kasi that time.
"Naku,
tumaba si bestfriend, ang cute cute" sabi ni Frank.
Nahiya naman ako at natulala na naman at
mayroon siyang sinasabi that time na di ko maintindihan. Napatingin ako sa relo
ko at 10 minutes na lang at matatapos na ang klase namin, nasa loob pa ng room
namin sa Ac501 ang bag ko. Nagpaalam ako na pupunta na sa klase at dalidaling
tumakbo, nilingon ko siya saglit bago umalis nang canteen at napansin ko ang
kalungkutan sa mukha niya. Gosh! napakatanga ko talaga, sana dinala ko na lang
bag ko para di na ako bumalik sa room pero sadya talaga akong umalis that time
coz naiilang ako sa kagwapohan ng bestfriend ko. Naku, hindi man lang ako
nakahingi ng number, malaki
ang campus namin so mahihirapan akong hanapin siya. hahay..
ang campus namin so mahihirapan akong hanapin siya. hahay..
Nakagawian
ko nang pumunta nang basketball court kasama ang aking new found friend na si
Abel, isa ring femminate gay na palaging nakikipag.away sa guard dahil sa long
hair niya, ayaw kasi niyang mag.wig dahil daw sa Human rights churba. One time,
pumunta kami sa court, nakaupo kami sa may pinakaharap para makita namin ang
mga boys nang malapitan. Try out pala for the new members nung araw na iyon at
masaya si Abel dahil magtatry out daw ang crush niya. Na.shock ako nang tumili si
Abel dahil pasok ang crush niya sa try out. Pagtingin ko sa crush niya, nagulat
ako. Si Frank pala ang tinutukoy niyang crush niya. Napatitig ako kay Frank at
nahuli niya ako at nginitian niya ako. Namula naman ako at umiwas nang tingin.
Nahuli ni Abel ang pag.ngiti ni Frank sa akin at inismiran ako nang bruha at
sinabihanpa akong mang.aagaw (bruha talaga). Nakagawian na naming magretouch sa
harap ng boys. Nagretouch kami ni Abel nang nahulog ang lipstick ko Nichido
Pink Flush, pumasok sa may butas at napasigaw ako ng
"Oh
no! my lipstick", sigaw ko .
Naagaw ko ang atensiyon ng mga boys at tumawa
sila at sinabihan akong bibilhan daw nila ako nang Avon lipstick. Napahiya ako
at kinaladkad ko si Abel palabas ng court pero bago ako makalabas, nilingon ko
si Frank at nginitian nita ako nang may pagkalambing-lambing.
(itutuloy)
No comments:
Post a Comment