Nag-enjoy
talaga akong makasama uli ang bestfriend ko sa Jolibee, he is still the same
Frank that I have known before. Akala ko galit siya sa akin dahil doon sa
aksidente na naganap noong highschool at isa pa, hindi pa ako nakapagsorry for
what happend back then. Masaya kong binalikan ang mga alaala namin noong bata
pa kami hanggang sa akoy makatulog.
Elementary Days
First
day of School, I was Grade 5 that time and I’m very excited to go to school and
meet my classmates and new teachers. Noon, ako yung klase nang tao na dapat ako
ang magstand out, dapat lahat nang suot at damit ko ay bago at lahat ng mga
lumang uniform at other schools supplies, dapat isantabi na. I went to school
early and I bragged my new school supplies to my classmates. Sila rin ay hindi
papatalo so if that happend, we will start to compare the prices. Nakakaloka,
hindi ko na sana dapat inalala ang mga iyon pero anyways this is the reason why
I knew Frank. Section 2 kami nun and to my surprise may bago kaming classmate
na galing si Section 1, his name is Frank Cardosa, he is cute , has white
complexion at tsinito. Insecure ako sa mga mapuputi that time because I’m
morena so I stared at him with something. Nainis ako sa skin niya, bakit ba
hindi ako nabiyayaan ng white skin peroin fairness I love my skin because it’s
makinis kahit di maputi. I was staring at him nang nilingon niya ako at
nag-smile siya nang nakakaloko. Nahiya ako at umiwas ako nang tingin. Buti na
lang dumating ang adviser namin at ang tingin niya’y bumaling sa aming adviser.
Recess! Nagring
ang bell at gumaan na ang aking feeling. Hahahha.. Di ko kasi gustong makinig
ng mga lectures ( buti na lang at nagbago na ako noon). Ang pagiging tamad ko
ay nagsimula from birth, hahahaha.. Let’s go back to the story, pumunta ako ng
canteen, umorder ako ng favorite meatroll ko and Funchum, hehehe.. Naupo ako sa
table kasama ang bestfriend ko na si Jennifer na taga Section 1. Si Jennifer pala aya isang linalaki, gusto
niya nang girls, she is morena also, pretty so sayang at naging yobmotch siya. Nagsimula
na kaming kumain ni Jennifer at nagchikaan kami ng light lang until dumating na
si Frank sa canteen, nilingon niya ang direksyion namin ni Jennifer at ngumiti.
Umorder siya at pagkakuha niya ng order ay lumapit siya sa table namin at umupo
ng walang pasabi.
“Nakita
ko na kumakain kayo ng meatroll at Funchum so umorder na rin akong pareho sa
inyo”, masayang sabi ni Frank.
“Oi
classmate, kumusta? Akala ko pareho pa rin tayo nang section dahil honor
student ka naman. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ka napunta sa section 1”,
si Jennifer.
“Oo
nga, hehe. Na.late kasi ako nang enroll, akala kasi ni Mommy na lilipat na kami
sa Maynila so yun. Masaya rin naman ako sa section 2 kasi classmate ko ang
bestfriend mo na si Marshy..” sabay tawa. “I’m sure na magiging bestfriend
kami.”, dagdag ni Frank.
Na-shock
ako sa sinabi niya, gusto niyang maging magbestfriends kami, WOW naman. Pero
that time, insecure pa rin ako sa kanya dahil sa kaputian niya so parang
balewala lang sa akin ang sinabi niya that time. Hindi namin napansin ang oras
at bigla na lang nagring ang bell hudyat nang pagtatapos ng recess. Nainis na
naman ako kasi bitin ang recess ko, no choice, back to class again.
Back
to classroom na with our TLE teacher, boring na naman ang discussion for sure,
nakatanga akong nakatitig sa teacher namin, wala akong maintindihan sa mga
sinasabo niya, inaantok ako. After a few minutes, nakaramdam akong may
tumitingin sa akin. Paglingon ko kay Frank, nahuli ko siyang tumitingin sa
akin. Napakunot ang noo ko dahil nakangisi siyang tumitingin sa akin. Napaisip
ako na baliw yata ang batang ito so binawi ko ang aking tingin at nakatanga na
namang tumingin sa teacher namin.
Natapos
ang 1st day of school namin at uwian na, bumili pala ng Playstation
ang papa ko so dapat magmadali akong umuwi para matesting ito at malaro ko yung
Bloody Roar noon(nakalimutan ko yung title ng Bloody roar, yung first release).
Palabas na sana ako nang school nang tinawag ako ni Frank para sabay daw kaming
umuwi dahil malapit lang naman ang bahay nila sa amin so umoo na lang ako.
Habang pauwi kami, tinanong niya ako kung gay ba daw ako. Nainis ako dahil
obvious naman talaga, patanong tanong pa siya. Sinagot ko na lang siya ng
“
Grrr, di obvious? Hindi ako bakla, babae ako” pagalit kong sabi
“
Sorry na bestfriend, hehe.. tinanong lang naman kita, wag kang
highblood.hehehe.. You know what, I like your personality, you are so funny”,
sabi ni Frank
“Kailan
pa tayo naging bestfriend? And please I dont want to be funny on your eyes”
sumbat ko sa kanya.
“
Ngayon! Bestfriends na tayo ngayon at dapat everyday na tayo magkasama sa
recess at umuwi, funny ka kasing tingnan pag nababagot ka, ang ganda tingnan ng
lips mo at saka gusto kong nakikita kang nakakunot noo”, tawa niyang sabi
“Whatever,
okay go, we’re bestfriends besides Im getting bored at school naman so let’s
give it a try”, sagot ko.
Natuwa
siya at sinabihan akong pumunta muna kami nang park kahit saglit lang, gusto
niya lang daw ng kausap kasi matagal pang uuwi ang parents niya by that time.
Naku, gusto ko pa naman sanang matesting ang playstation so inimbita ko siya sa
amin pero tumanggi siya, next time na lang daw, mas gusto niya daw sa park.
Nainis ako nang light kasi gusto ko nang umuwi pero umuo na lang ako at
sasamahan ko na lang siya sa park. Marami siyang ikinuwento, paborito daw niya
ang basketball, idol niya si Michael Jordan that time. Gusto rin daw niya nang
tinolang bangus , spaghetti,etc. Nakinig lang ako sa kanya at ako ay tahimik
lang. After a few minutes, dumaan yung nagtitinda nga buko. Bumili siya nang 4
na buko kasi nakita niya daw ako noon na uminom nang dalawang buko so bumili
siya nang apat baka kulangin. Nahiya ako sa kanya, nagpademure mode ako that
time, at first pahinay2x lang ang pag.inom ko.
“Oh,
bakit ang kunti lang nang ininom mo? May dalawang buko pa oh, ubusin mo na,
hindi ko kasi ito maiinom eh”, sabi ni Frank
Mukhang
sayang nga ang binili niya so ininom ko na lang. Pagkatapos kung uminom, tumawa
siya nang malakas kasi pa-ayaw ayaw pa raw ako sa pag-inom pero naubos ko
naman.
“Sayang
naman, wala namang nagsabi sayo na bumili ng marami, sabi sa tv, maraming bata
ang hindi nakakakain at nakakainom ng ganito so dapat ubusin at dapat walang
matira”, sumbat ko sa kanya.
“Sige
na nga, saludo na ako sayo bestfriend, tara! Nagdilim na, umuwi na tayo, I’m
sure nasa bahay na sina Mom and Dad, why not pumunta ka na lang sa amin”, si
Frank.
Napaoo
ako that time, hindi ko napansin ang oras that time so nagpakatangatanga akong
umoo sa kanya. Dumating kami sa bahay nila by 6PM. Naabutan namin mon and dad
niyang magbukas ng door at nagmano kami sa kanila. Dinala niya ako sa room niya
at napa.WOW ako kasi marami siyang cute stuffed toys, fluffy pa iyong iba, so
cute. Feel at home talaga ako sa bahay nila at agad kong kinuha ang stuffed toy
na bunny, sabi niya sa akin na lang daw iyon at tinanggap ko naman sa sobrang kakapalan
ng face ko. After a few minutes, may sinabi siya
“You
know what, my Mom has a lot of dresses, why not try to fit them, I’m sure bagay
sa iyo ang mga iyon because you are pretty”, sabi ni Frank
“Naku,
I’m not ready for that, police kaya tatay ko, baka pag nalaman niyang nagsusuot
ako nang ganyan, baka paluin ako, okay na nga sa kanyang ganito ako tapos
gagalitin ko lang siya dahil sa pagsuot ng mga dresses” , sabi ko
“Kalma
lang, hehe.. I’m not forcing you to wear it naman”, tawa niyang sabi
Tinawag
kami nang mommy niya dahil nasa baba daw ang mama ko at hinahanap ako, di pa
rin daw ako umuuwi at nagsumbong daw si Jennifer na kasama ko si Frank. So
hayun, bumaba na kami sa silong at saka sumama kay mama. Nagtaka si mama dahil
dala ko ang stuffed toy na bunny. Sabi naman ni Frank, sa akin na lang daw
iyon, gift niya at nag second the motion ang mommy niya. Si mama naman ay
nagpasalamat at inimbitahan sila sa bahay sa weekend para naman daw
makapag-bonding sila. Umoo na man ang mommy ni Frank.
Doon
nagsimula ang pagkabestfriend namin ni Frank, palagi na kaming magkasama
everyday, magkaclassmate kasi kami so parang at all hours, siya ang kasama ko.
Palagi nga kaming tinutukso na magkasintahan pero di ko na sila pinapansin.
Lalo pa kaming naging close nang madestino ang papa niya as a policeman sa town
namin at kasama sila ng papa ko so palaging nagbabonding parents namin sa house
at kami, laging naglalaro.
One
time, may group of bullies na gusto akong sapakin kasi hate daw nila ang mga
bakla. I’m not that strong, hindi ko alam ang gagawin ko buti na lang dumating
si bestfriend at lumapit siya sa amin at pinagsabihan niya ang mga bullies na
itigil na ang pangbu.bully sa akin or else lalabanan niya sila. Nabigla ako
nang sinuntok si bestfriend ng bully at tumakbo sila palayo. Naiyak ako kasi
hindi ko alam gagawin ko at walang kataotao ang lugar na iyon by that time,
umiyak ako nang husto nang makita ko ang dugo sa ilong niya at parang pumutok
labi niya. Natigil na lang ako sa kaiiyak nang magsabi siya ng
“Cool
ka lang! Hehehe.. di naman ikaw ang natamaan, no problem, ill just tell mom na
nahulog ako sa stairs”, sabi ni Frank
Grabe,
that time parang nagustuhan ko na bestfriend ko, siya na talaga ang protector
ko at parang ayaw ko nang magkahiwalay kami kasi wala nang magtatanggol sa
akin. Naging masaya ang aming pagkakaibigan kasama si Jennifer pero si Jennifer
adik sa klase at kakaaral so minsan lang namin siya makasama maglaro. Nagtapos
ang elementary ay kami pa rin ni Frank ang palaging magkasama. Natry ko na ring
matulog sa kanila at siya ay sa amin pero walang malisya sa akin yun, friends
lang talaga ang turing ko sa kanya. Nagpromise kami sa isa’t isa na hindi kami
maghihiwalay at bestfriends forever pa rin kami hanggang sa lumaki kami. Ang
saya ko talaga that time , sobrang saya.
(itutuloy)
No comments:
Post a Comment